Senate Presidency issue ng Senado nananatiling payapa – Senate Pres. Sotto

National News

All is well. Ito ang kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III kaugnay sa patuloy na usapin ng senate presidency para sa susunod na Kongreso.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III sa kaniyang panayam sa Give Us This Day program ni Pastor Apollo C. Quiboloy, maayos naman na napagkasunduan nina Sotto at ang sinasabing makakatapat nito na si Senator-elect Cynthia Villar.

Kaugnay nito, nauna nang nilinaw ni Senator Villar na wala itong intensiyon sa itinutulak na posisyon sa senado bagkus suportado nito ang liderato ni Sotto.

Matatandaang naging sentro ng usapan ang umano’y resolusyon na ginawa ni Senator Manny Pacquiao para kumalap ng suporta ng mayorya kasalukuyang liderato ng senado.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *