Third party sa Recto Bank incident, pabor kay Senate President Sotto

National News

WALANG nakikitang problema para kay Senate President Tito Sotto III ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumuha ng posibleng third party kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa Recto Bank incident.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III sa kaniyang panayam sa Give Us This Day Program ni Pastor Apollo C. Quiboloy, walang nakikitang mali dito ang opisyal para sa mas malalim na pagsiyasat sa insidente ng hit and run sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na bukas ito sa isa pang partido na tututok sa mas balanse na imbestigasyon habang umuusad ang imbestigasyon ng Recto Bank incident.

Matatandaan na pinaboran din ang mungkahing ito ni Vice President Leni Robredo para aniya matukoy kung sino ang responsable sa insidente
ngunit paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magagawa lang kumuha ng third party ang bansa sakaling hindi magtugma ang desisyon ng dalawang partido na nagsasagawa ng kani-kanilang imbestigasyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *