Tropical depression Dodong, inaasahang lalabas na ng PAR ngayong araw

National News

INAASAHANG lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Dodong mamayang hapon o gabi.

Sa press briefing ng PAGASA, sinabi ni Weather Forecaster Benison Estareja na huling namataan ang bagyo sa layong 710 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 8:00 ng umaga.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pabugsong umaabot sa 60 kilometers kada oras.

Kumikilos ito pa-hilagang silangan sa bilis na 15 kilometers kada oras.

Hindi naman aniya ito inaasahang magla-land fall.

Sinabi ni Estareja na walang direktang epekto ang bagyo sa bansa at ang southwest monsoon o hanging habagat ang magdudulot ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi sa Luzon at Visayas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *