Record low

Water level ng Angat Dam bumagsak pa sa 158.40 meters

Metro Manila

SA kabila ng mga naranasang pag-ulan nitong mga nakaraang araw, patuloy pa rin ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrological Division, bumaba pa sa 158.40 meters ang water level sa angat kaninang 6:00 ng umaga.

Nabawasan ito ng 0.37 meters mula sa 158.77 meters kahapon ng umaga.

Habang nadagdagan naman ang water level sa La Mesa Dam na tumaas sa 69.98 meters mula sa 69.20 meters kahapon.

Ilan pa sa mga dam sa Luzon na nabawasan ang antas ng tubig ay ang Ipo, San Roque, Pantabangan at Caliraya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *