Velasco

Pagiging malapit ni Velasco kay Pang. Duterte at Mayor Sara, malaking factor

National News

MALAKI ang naging factor ng pagiging malapit ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco kay pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte para mapili ito bilang kandidato sa House Speakership.

Ito ang inihayag ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales, Jr., Executive Vice President ng PDP-Laban matapos i-anunsyo ni Senator Manny Pacquiao ang suporta ng partido kay Velasco.

Ayon pa kay Gonzales, nasa 200 na kongresista kasama na ang mga miyembro ng PDP-Laban ang naglagda ng kanilang suporta kay Velasco.

Kabilang dito sa lumagdang lider ng ibang mga partido sa multi-party manifesto of support para sa napiling kongresista ay sina Rizal Rep. John Duavit at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition (NPC), Party-List Coalition President Michael Romero, at Rep. Kristine Singson-Meeham ng Northern Luzon Alliance.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *