liberal party

Ilang miyembro ng Partido Liberal, planong umanib sa mayorya sa kamara

Section

IGINIIT ng labing walong miyembro ng Liberal Party sa kamara na kanilang paiiralin ang mga sinusunod na prinispyo.

Ito ang pahayag ni LP Secretary General at Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher Belmonte matapos igiit ni Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na balak nilang mapabilang sa mayorya sa kamara.

Ginawa ni Erice ang pahayag sa caucus ng speaker-aspirant na si Leyte Representative-Elect Martin Romualdez, na dinaluhan din nina Belmonte at Incoming Northern Samar 1st district Rep. Paul Daza.

Para mapabilang sa Majority Bloc, kailangan iboto ng isang kongresista ang nanalong speaker candidate sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

Noong 17th Congress, ilan sa mga LP members, kabilang na si Belmonte, ay sumali sa “Supermajority”.

Sa kabila nito, tiniyak ni Belmonte na pagsapit ng 18th Congress ay isusulong pa rin nila ang “Genuine Democracy” sa kamara.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *