Libreng sakay

Libreng sakay sa mga estudyante simula sa Hulyo a-uno sa MRT-3, LRT-2 at PNR

Section

MAGANDANG balita para sa lahat ng mga mag-aaral, magbibigay ng libreng-sakay ang MRT-3, LRT-2 at PNR simula sa Hulyo a-uno.

Ito ang inanunsyo ni DOTR Secretary Arthur Tugade sa transport talks press briefing.

Ayon kay Tugade ang naturang inisyatiba ay bahagi ng “Malasakit” Program ng DOTR alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng maginhawang buhay ang mga pilipino.

Sa ilalim ng “Student Free Ride Program,” magiging libre ang pamasahe ng mga estudyanteng sasakay ng MRT-3 mula 5:00am hanggang 6:30am, at mula 3:00pm hanggang 4:30pm.

Ang LRT-2 naman, may libreng sakay para sa mga mag-aaral mula 4:30am hanggang 6:00am, at mula 3:00pm hanggang 4:30pm.

Para naman sa PNR, ipatutupad ang libreng sakay mula 5:00am hanggang 6:00am, at mula 3:00pm hanggang 4:00pm.

Pasok bilang mga benepisyaryo ng Student Free Ride Program ang mga mag-aaral mula preschool hanggang kolehiyo (undergraduate lamang), gayundin ang mga nasa trade, arts, technical, vocational schools.

Para sa unang yugto ng implementasyon sa darating na Hulyo, kailangan lamang ipakita ng estudyante ang kanyang valid school ID para maka-avail ng libreng pamasahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *