PhilHealth

Pagbasa ng sakdal sa 3 akusado sa kasong Estafa sa PhilHealth, ipinagpaliban sa QC RTC

Metro News

IPINAGPALIBAN ng Quezon City Regional Trial Court Branch 219 ang pagbasa ng sakdal sa tatlong akusado sa kasong Estafa na may kaugnayan sa umano’y Ghost Claims Scheme na kinasasangkutan ng PhilHealth.

Bunsod ng mga nakabinbin na mosyon, ipinagpaliban ang arraignment ni WellMed Dialysis Center owner Bryan Sy at dating empleyado nito na sina Edwin Roberto at Liezel Santos De Leon sa Hulyo a-12.

Sina Roberto at De Leon na siyang nagbunyag ng umano’y scam ay naghain ng mosyon na ipinatitigil ang kanilang detensyon sa City Jail matapos makapasok sa provisional status ng witness protection program ng gobyerno.

Hirit din ng dalawang whistleblowers na madischarged mula sa kaso.

Sa parte naman ni Sy, naghain ito ng Motion to Quash sa kaso.

Ang tatlo ay sinampahan ng kasong Estafa through Falsification of Official Documents dahil sa pagproseso ng WellMed sa PhilHealth claims ng mga pasyenteng namatay na.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *