Passenger Terminal Fee

Passenger Terminal Fee sa mga paliparan at pantalan libre na sa mga estudyante simula Hulyo a-16

National News

MALIBAN sa libreng sakay, wala na ring babayarang Passenger Terminal Fee ang mga estudyante sa mga paliparan at pantalan simula Hunyo a-16.

Ito ang inanunsyo ni DOTR Secretaty Arthur Tugade kung saan sakop naman nito ang mga paliparan na pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sakop naman ng libreng Passenger Terminal Fee sa mga pantalan na nasa ilalim ng Philippine Port Authority.

Maliban naman sa mga estudyante mula elementary hanggang kolehiyo, kasama na ang mga nasa vocational o technical institution, ay libre na rin sa terminal fee ang mga Senior Citizen, PWDs, at Active uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *