Pet Projects

Pondo para sa Pet Projects ni Pangulong Duterte, tiniyak sa susunod na kongreso

Section

SINIGURO ni Leyte Representative-Elect Martin Romualdez na nagkasundo ang mga kongresista na isantabi ang pulitika para pondohan ang lahat ng Pet Projects ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pribadong hapunan kasama sina Pangulong Duterte at Senator-Elect Christopher Bong Go, ibinida ni Romualdez ang ginanap na multi-party caucus sa Quezon City kung saan nagkaisa aniya ang lahat na isusulong ang legislative agenda ng administrasyon.

Iniulat rin nito sa Pangulo na gagawing prayoridad ng kamara sa 18th Congress ang agarang pag-apruba sa 2020 National Budget upang masigurong handa na ang government resources sa implementasyon ng mga programa.

Bukod pa rito, ipinabatid sa punong ehekutibo na pinaigting na ng mga mambabatas ang ugnayan kay Finance Secretary Carlos Dominguez III at sa iba pang economic managers para hindi maantala ang pagpasa sa pambansang pondo.

Samantala, idinagdag naman ni Romualdez na titiyakin nilang matatapos ang Flagship Infrastructure Programs ng pamahalaan partikular ang dalawampu’t walo mula sa pitumpu’t limang proyekto na inaasahang maisasakatuparan bago magwakas ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Bago ang private dinner, nagkasama rin ang speakership candidate at si Pangulong Duterte sa ika-isandaan at dalawampu’t dalawang anibersaryo ng Presidential Security Group sa Malacañang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *