Record low

Record low Level ng tubig sa Angat Dam, posibleng maitala sa Sabado

National News

NANGANGAMBA ang Hydrometeorology Division ng PAGASA na posibleng pumalo sa record low o pinakamababa sa kasaysayan ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa mga susunod na araw.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Elmer Caringal, Hydrologist ng PAGASA na posibleng bumagsak sa pinakamababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Sabado.

Ayon kay Caringal taong 2010 nang bumagsak sa record low na 157.56 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kasunod ng malakas na El Niño.

Sa kasalukuyan ay nasa 158.15m ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

paliwanag ni Caringal ang pagtaas ng demand ng tubig kasunod ng pagtaas ng populasyon sa Metro Manila ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis ang pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam sa kabila ng naranasang weak El Niño.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *