Bagyong Egay, sa July 3 pa lalabas ng PAR; signal no. 1 nakataas sa Batanes

National News

PATULOY na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dulot ng bagyong Egay na pinaigting ang monsoon rains o hanging habagat.

Nakataas na sa signal number 1 ang Batanes at Babuyan group of island bunsod ng bagyong Egay.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan

May lakas ang hangin nito na 45 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 65 kilometro bawat oras.

Kumikilos naman ito sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 40 kilometro kada oras.

Sinabi naman ng pagasa na maliit ang tiyansa na tumama ang bagyo sa kalupaan pero patuloy na paiigtingin ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

Dahil dito, inaabisuhan ang lahat ng mga residente sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Zambales at Bataan sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Martes ng gabi o madaling araw ng Miyerkules tinatayang lalabas ng Philippine area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *