walang pasok

Pasok sa eskwelahan sa ilang lugar sa bansa, suspindido ngayong araw

National News

Nagsuspinde na ng klase ang ilang lokal na pamahalaan at pamunuan ng paaralan sa bansa ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1.

Bunsod ito ng nararanasang mga pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat na pinaigting ng bagyong Egay.

Kabilang sa mga walang pasok ngayong araw sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa bayan ng Baliuag, Bulacan Bocaue, Bulacan Marilao, Bulacan at Subic, Zambales habang pre-school hanggang senior high school ang walang pasok sa Lian, Batangas.

Wala ring pasok mula pre-school hanggang senior high school sa Malabon City at Navotas City habang all levels naman sa Quezon City.

Kaugnay nito, ipinauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan at paaralan ang pagsusupinde ng klase.

Sa inilabas na guidelines, kapag signal number one, otomatiko na walang pasok sa kindergarten; kapag signal number 2 walang pasok sa kindergarten, elementary at high school.

Habang wala ng klase sa lahat ng antas kapag itinaas na sa signal number 3 ang bagyo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *