Angel Locsin, busy na sa kanyang wedding plan

Showbiz

WEDDING planning at ring insurance hunting ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktres na si Angel Locsin.

Ito ay matapos na i-anunsyo ng pinay superstar ang pagpropose ng kaniyang boyfriend na si Neil Arce noong Sabado.

Say ni Angel, wala pa silang detalye na mabibigay patungkol sa inaabangang wedding at paghahanap ng insurance para sakaniyang diamond engagement ring ang kaniya munang pagkaka-abalahan.

Matapos nito ay venue at wedding planner naman ang sunod niyang huhunting.

Hindi naman maitago ng aktres ang kaniyang excitement sa pagpapakasal.

Pebrero taong 2018 nang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *