NDRRMC, tinututukan ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Egay

National News

PATULOY na minomonitor ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang bagyong Egay kung saan hihilahin at palalakasin naman nito ang hanging habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, sa ngayon ay naka-white alert status lamang ang NDRRMC base sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kaugnay sa tropical depression Egay.

Sa kabila nito, ani Posadas, tinututukan ng ahesya ang mga lugar na madalas nagkakaroon ng landslide at posibleng maapektuhan ng mga pag-ulang dala ng naturang bagyo.

kaugnay nito, inabisuhan ng NDRRMC ang publiko na ugaliing mapagbantay at magmonitor sa mga update patungkol sa lagay ng panahon lalo na ang mga residente na nakatira sa lugar na may mataas na banta ng pagbaha at landslide.

Nag-abiso rin ang ahensya sa publiko na magsagawa ng precautionary measure at makipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management offices.

Sa datos ng NDRRMC, ang impact ng hangin sa Batanes at Babuyan Group of Islands ay nakapagtala lamang ng very light or no damage to low risk structures; bahagyang pinsala lang din sa ilang mga bahay sa naturang lugar at may ilang naitalang banana plants na tumikwas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *