Pakikipagpulong ni Donald Trump kay Kim Jong-un, umani ng batikos

International.

NAISAKATUPARAN ang imbitasyon ni US President Donald Trump kay North Korean Leader Kim Jong-un na makipagkita ito sa border ng Demilitarized Zone (DMZ) na naghihiwalay sa North at South Korea.

Ayon kay Trump, ikinagagalak umano niya ang makitang muli si Kim matapos ang kanilang pagpupulong sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.

Dumating ang presidente ng Amerika sa Seoul kagabi upang makipagpulong kay South Korean Leader Moon Jae-In.

Si Trump ang kauna-unahang presidente na nakaapak sa lupa ng North Korea.

Samantala, binatikos ng ilang democrats ang ginawang pakikipagpulong ni US President Donald Trump kay North Korean Leader Kim Jong-un.

Tinawag na walang kuwenta at isang hakbang umano ito ng mga diktador.

Sinabi ni US Senator Elizabeth Warren na dapat huwag makipagkaibigan si Trump sa isang diktador.

Tinawag naman nina Senator Bernie Sanders at Kamala Harris ang nasabing pakikipagpulong ni Trump na isang “photo-op” lamang.

Sina Warren, Sanders at Harris ay pawang mga presidential candidates na nag-aambisyong labanan si Trump sa 2020 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *