World Bank, inaprubahan ang $300-M loan para sa 4P’s

National News

INAPRUBAHAN ng World Bank board of executive directors ang $300 Million loan application ng bansa para sa 4P’s program ng administrasyon.

Ayon kay World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand Mara Warwick, ikinalulugod nilang aprubahan ang loan ng Pilipinas para makatulong sa maraming kababayan dito sa bansa.

Noong 2016, $450-million ang inaprubahan ng World Bank para sa 4P’s, habang taong 2008 pa nakasuporta ang foreign funding sa programang ito ng gobyerno.

Sinabi ng World Bank na nasa $1.7 Billion ang taunang pondo ng 4P’s kaya sasakupin ng karagdagang pondo nito ang 9% budget ng programa hanggang 2022.

matatandaan na pinirmahan kamakailan ni Pangulong rodrigo Duterte ang panukala na nag-i- institutionalize sa 4P’s bilang ganap na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *