Full implementation ng UHC, posible na maging legasiya ng pangulo — political analyst

National News

IMINUNGKAHI ng isang political analyst na pagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabuuan ng Universal Health Care (UHC).

Sa panayam ng DZAR1026 Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni Prof. Jean Franco, isang political analyst, na ito ay dahil maaari pa itong maging legasiya ng pangulo.

Ayon kay Franco, ang Universal Health Care ang mag-aalaga sa mga kababayan nating unti-unting gumaganda ang buhay dahil na rin sa gumagandang ekonomiya.

Maliban dito, iginiit ni Franco na kailangan ding pag-aralan nang mabuti at palakasin pa ang K-12.

Umaasa naman si Franco na sana ay hindi na i-recycle ng pangulo ang mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa isyu ng kurapsyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *