Water level sa Angat Dam, patuloy ang pagtaas

Section

BAHAGYANG tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam bunsod na rin ng mga naranasang pag-ulan sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., sinabi nito na kaninang umaga ay nakapagtala ng 160.29 meters na water level sa Angat at lumagpas na ito sa critical level na 160 meters.

Gayunpaman, sinabi ni sevilla na hindi pa rin sila maaring mag-adjust sa alokasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Sinabi ni Sevilla na sa ngayon ay nasa 3.1 billion liters kada araw ang water supply allocation sa Metro Manila para sa dalawang water concessionaire.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *