DAY6

Korean boyband DAY6, balik-Pilipinas sa Nobyembre

Showbiz

TILA this year is the year of Pinoy k-pop fans.

At yan ay dahil nakatakdang bumalik ng bansa ang South Korean boyband na DAY6 para sa kanilang “Gravity” world tour.

Nakatakdang muling magtanghal sa Pilipinas ang South Korean group sa Nobyembre 23.

Bukod sa Pinas ay magtutungo din sa United States, Australia, Europe at ilang pang bansa sa Asya ang grupo para sa kanilang tour.

Oktubre ng nakaraang taon nang mag-perform sa New Frontier Theater ang DAY6 sa kanilang “Youth” concert.

Taong 2015 nang mag-debut ang k-pop group kung saan pinasikat nito ang mga awiting “I wait”, “Shoot me” at “Letting go”.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *