Federal Information Campaign

COA, kinuwestyon ang DILG kaugnay sa ₱10-M na gastos sa Federal Information Campaign

National News

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa sampung milyong pisong gastos sa Federalism Information Campaign noong 2018.

Ayon sa COA, bigo ang DILG na magsumite ng liquidation report sa nagastos nito sa naturang kampanya.

Nabatid na ang pagkabigo ng DILG ay nag-ugat sa hindi pagsusumite ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng requirement na progress report at liquidation sa kagawaran.

Malinaw daw kasi ang nakasaad sa kasunduan ng dalawang ahensya na mula sa PCOO ay isusumite ng DILG ang ulat sa COA para sa audit.

Ito’y dahil PCOO rin ang magbibigay ng pondo sa Interior Department.

Inamin naman ni Interior Assistant Sec. Jonathan Malaya, na-late lang ng sumite ang PCOO dahil December 2018 pa lang ay naihanda na ng DILG ang audit report para sa COA.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *