E-Cigarettes at Vapes

E-Cigarettes at Vapes, ipinagbabawal na sa pampublikong lugar ng DOH

National News

MAHIGPIT nang ipagbabawal ng Department of Health ang paggamit ng E-Cigarettes at Vapes sa mga pampublikong lugar.

Batay sa Administrative Order 2019-0007 na nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque III, sakop na ng Public Smoking Ban ang Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery System (ENDS).

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, susundin sa pag-ban ang kaparehong guidelines para sa Designated Smoking Areas sa ilalim ng Section 4 ng Executive Order 26.

Papatawan ng multa ang sinumang lalabag sa kautusan depende sa local ordinances na ipinatutupad sa isang bayan o lungsod kung saan nahuli ang naninigarilyo.

Noong 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 26 kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo at iba pang tobacco products sa mga pampublikong lugar gaya ng eskwelahan, government facilities, simbahan, ospital, palengke, transpot terminal at iba pa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *