KAPA Founder Joel Apolinario

KAPA Founder Joel Apolinario, kinakanlong ngayon ng isang Tribu sa Mindanao

Section

KINAKANLONG ngayon ng isang Tribu sa Mindanao ang Founder ng Kabus Padatoon o KAPA.

Ito ay sa kabila ng paghahanap ng mga otoridad kay KAPA Founder Joel Apolinario dahil sa kinakaharap nitong mga kaso kaugnay sa Investment Scam at iba pang reklamo ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa isang press conference sa San Juan City, inamin ng nagpakilalang Tribal Leader ng Holag-Ayan na si Datu Higyawan na kinakanlong nila ngayon si Apolinario.

Sinabi ni Higyawan na hindi maaaring hulihin ang KAPA Leader dahil nasa hurisdiksyon nila ito.

Iginiit ni Higyawan ang Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA) na nagbibigay daw ng proteksyon sa mga tribu para sa kanilang mga aktibidad sa loob ng Ancestral Domain.

Pero sa hiwalay na pahayag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sinabi ni Dir. Geroncio Aguio na hindi nila kinikilala ang grupo ni Higyawan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *