State of the Nation Address

Nilalaman ng State of the Nation Address pinaplantsa na ng Malakanyang

National News

INILALATAG na ng Malakanyang ang draft ng magiging nilalaman ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles, nagsumite na ng kani-kanilang output ang mga miyembro ng gabinete para maging basehan ng mga ilalahad sa ulat sa bayan ng Pangulo.

Sinabi ni Nograles na tututok ang SONA ni Pangulong Duterte sa mga polisiya ng pamahalaan, at mga programang kailangang ipagpatuloy ng kaniyang administrasyon sa nalalabing tatlong taon nito sa termino.

Kabilang dito ang Build Build Build Program, Poverty Alleviation Initiatives at mas pinalakas na kampanya kontra kriminalidad, korapsyon at iligal na droga.

Dagdag pa ni Nograles na pagkatapos ng SONA ng Pangulo sa Hulyo a-bente dos ay maglalatag din sila ng Post-SONA Activity para maidetalye ang mga bagay na nakapaloob sa mga sasabihin ng Pangulo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *