Sen. Grace Poe

Pamunuan ng MRT-3, bumuwelta sa mali umanong pahayag ni Sen. Grace Poe

Section

BUMUWELTA ang pamunuan ng MRT-3 sa pahayag ni Senador Grace Poe na lumalala ang kondisyon ng naturang train system kung ikukumpara sa nakalipas na mga taon.

Sa isang pahayag, nilinaw ng pamunuan na hindi totoo na mas malala ang estado ng MRT-3 ngayon.

Sa katunayan aniya ay malaki ang ibinababa sa bilang ng mga unloading incident kumpara noong mga nakaraang taon.

Ayon sa MRT-3, mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang Administrasyong Duterte ay nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019.

Iginiit din sa pahayag na hindi madaling isaayos ang kanilang mga nadatnang problema sa MRT-3 pero lahat aniya ito ay unti-unti nilang sinosolusyunan hanggang ngayon.

Tiniyak ng MRT-3 na sa Hulyo 2021 o 26 buwan mula nang magsimula ang rehabilitasyon ay mararamdaman na ang mga pagbabago sa MRT-3.

Iaakyat aniya nila ang bilang ng mga running trains mula 15 hanggang 20, pabibilisin ang takbo ng tren mula 30 kilometer per hour hanggang 60 kilometer per hour at babawasan ang waiting time mula sa kasalukuyang 7.5 minutes hanggang 3 hanggang 3.5 minutes.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *