Pilipinas

Pang. Duterte, pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea at Malampaya

National News

NANINDIGAN si Pangulong Duterte na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS) at Malampaya Natural Gas Reservoir.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa harap ng mga sundalo sa anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF).

Sinabi ng Pangulo na pag-aari ng mga Pilipino ang Malampaya na matatagpuan sa 80 kilometers northwest ng Palawan sa WPS.

Ang Malampaya ay isang joint venture ng Shell, Chevron at Philippine National Oil Company (PNOC) mula 2001-2014 kung saan ay kumita ang gobyerno ng ₱315 bilyon mula sa royalties.

Paglilinaw ito ng Pangulo kasunod ng mga batikos sa kanya dahil sa pagpayag nitong mangisda ang mga tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) matapos ang verbal mutual agreement nila ni Chinese President XI jinping.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *