SONA

Post SONA analysis isasagawa pagkatapos ang SONA ng pangulo

National News

BUKOD sa  pre-SONA Forum na una ng inihanda ng Palasyo, ikinakasa na din ng Malacañang ang post SONA activity na gagawin ilang araw matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, posibleng gawin ang nasabing aktibidad sa Hulyo 25 o 26.

Nag-usap na ani Andanar sila ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles tungkol sa post SONA na ang layunin ay mabigyang linaw ang mga detalye ng mga masasabi ng pangulo sa kanyang gagawing pag-uulat sa bayan sa Hulyo 22.

Sa kabilang dakoy inihayag ni Andanar na kaabang-abang ang magiging State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *