Department of Agriculture secretary

Manny Piñol, mananatili sa pwesto bilang Department of Agriculture secretary

Metro Manila

MANANATILI pa rin sa pwesto bilang Department of Agriculture secretary si Manny Piñol dahil wala pang reaksyon si Pangulong Duterte sa kanyang resignation letter na isinumite.

Matapos sabihin ni Pangulong Duterte na hindi siya kurap, malaki ang kanyang pasasalamat dahil sa naging komento ng pangulo sa kanya.

Para kay Piñol, isa ito malaking karangalan at maari niya itong ipagmalaki sa kanyang mga anak na siya ay tinawag na hindi korap ng pangulo.

“To me, that is something that I am really proud of in my lifetime. And I will tell my children that the President of the Philippines said your father is not corrupt. That to me is a badge of honor,” pahayag ni Piñol.

Magpapasalamat naman umano siya sa pangulo kung ililipat siya bilang pinuno ng Mindanao Development Authority.

Matatandaang, nagsumite ito ng resignation matapos sumiklab ang mga kontrobersiya laban sa kanya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *