“Top 10 Worst Countries”

Pilipinas, pasok sa “Top 10 Worst Countries” para sa mga manggagawa

National News

PASOK pa rin ang Pilipinas sa listahan ng “Top 10 Worst Countries” para sa mga manggagawa sa taong 2019.

Batay ito sa Global Workers Rights Index 2019 ng Trade Union Confederation.

Ayon sa grupo, nanatili ang bansa sa listahan dahil sa patuloy na umiiral na karahasan sa mga miyembro ng unyon.

Halimbawa na umano dito ang pagpaslang sa 9 na magsasaka na nag-protesta sa Sagay City, Negros Occidental noong nakaraang taon gayundin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “barilin” ang mga hahalintulad sa nasabing mga magsasaka.

Iginiit naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na apat lamang ang naitayang labor-related killings sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Pagdidiin ng kalihim, isang black propaganda lamang ang listahan ng Trade Union Confederation.

Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa listahan ang bansang Algeria, Bangladesh, Brazil, Colombia, Guatemala, Kazakhstan, Saudi Arabia, Turkey at Zimbabwe.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *