botcha

235 Kilo ng botcha na manok, nakumpiska sa Ilaya Recto sa Maynila

Metro News Section

AABOT sa 235 kilo ng botcha ng manok ang nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa Ilaya Recto sa Maynila.

Iprinesenta mismo at ininspeksyon ang mga nasabat ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa mga inspektor ng VIB, natagpuan ang mga botcha na nakatago sa ilalim ng lamesa habang nagsasagawa sila ng routing inspection sa lugar kaninang ala-1 ng madaling araw.

Wala namang naaresto sa operasyon dahil walang naabotang tao sa lugar.

Wala rin aniyang umamin o nagsumbong kung sino ang may-ari ng mga botcha.

Muli namang nagbabala si Moreno na magiging 1 to sawa ang kanilang gagawing panghuhuli sa mga nagtitinda ng botcha.

Magugunita na noong nakaraang linggo aabot sa 400 kilo ng manok ang nasabat ng mga tauhan ng Manila VIB sa Paco Market.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *