E.O. na may layong seguraduhing nasa ayos ang lahat ng transaksyon ng pamahalaang lungsod ng San Juan, inilabas

Metro Manila

INILABAS ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pinaka-unang Executive Order na tinawag na institutionalizing the San Juan City Local Government Integrity System o E.O. no. FMZ 001 series of 2019.

Ito ay matapos rebyuhin ang ng mga dokumento at libro na na-iturn over ng dating administrasyon.

Ayon kay Zamora, ang nasabing E.O. ay magsisilbing isang internal pre-audit system para masiguro na ang lahat ng transakyon ng lungsod ay nasa ayos.

Sa ilalim ng E.O, isang integrity task force ang bubuuin para seguraduhin na maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing kautusan.

Tatayo bilang chairperson ng nasabing task force ang city administrator habang vice-chairperson ang city legal officer.

Dagdag pa ng alkalde na ang nasabing E.O. ay alinsunod din sa pinangako nitong tapat, transparent at accountable na local government unit ng San Juan City.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *