Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Metro Manila

PATULOY ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukuna ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrological Division, bumaba pa sa 160.58 meters ang water level sa Angat kaninang 6:00 ng umaga at malapit na muli ito sa critical level na 160 meters.

Nabawasan ito ng 43 centimeters mula sa 161.01 meters kahapon ng umaga.

Maliban sa Angat, nabawasan rin ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya, bahagya naman nadagdagan ang Binga Dam habang wala namang pinagbago sa Ipo Dam.

Matatandaang bunsod ng pagbaba ng water level sa Angat ay binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa 36 cubic meters per second mula sa 46 cubic meters per second.

Dahil dito, nagpatupad ng rotational water service interruptions ang Manila Water at Maynilad.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *