Panukalang Extradition Bill sa Hong Kong, tuluyan ng ibinasura

International News

TULUYAN ibinasura ngayong ng Hong Kong government ang panukalang Extradition Bill.

Sa isang pahayag ni Hong Kong leader Carrie Lam maituturing ng patay ang naturang panukala sa legislative council.

Gayunman, bagama’t wala pang plano hinggil rito ay hindi aniya nito pormal na mai-wi-withdraw ang naturang panukalang batas gaya ng hiling ng mga demonstrador.

Ang desisyon ni Lam ay bunsod na rin ng sunod-sunod na kilos-protesta ng mga taga-Hong Kong para tutulan ang panukala na payagang maipadala sa Mainland, China at duon litisin ang kaso ng mga kriminal sa kanilang rehiyon.

Magugunita naman na una ng humingi ng tawad si Lam sa publiko kasunod ng pagsusulong sa naturang panukalang batas.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *