Robin Padilla, papasok sa Army Reserve Force

Showbiz

MATAPOS ang matagumpay na pagpasok ni Matteo Guidicelli sa army ay isa na namang showbiz hear-throb ang sasabak bilang reservist.

Sa social media, kinumpirma ni Bad Boy of the Philippines Robin Padilla ang kaniyang pagpasok sa army reserve force.

Ibinahagi ni Robin ang post ng Philippine Army patungkol sa kaniyang pagbisita sa probinsya ng Sulu upang i-promote ang kapayapaan.

Noong nakaraang linggo lang nang hinimok ng aktor ang mga Pilipino lalo na ang kabataan na magsanay bilang reservist kung saan kaniyang inihalimbawa ang kapwa aktor na si Matteo Gudicelli.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Army Spokesperson Lt. Col. Zagala sa kagaustuhan nitong maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa Philippine Army reserve component.

Magugunitang noong Hunyo lang nang magtapos bilang scout ranger reservist si Matteo.

DZAR0126

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *