Sen. Ronald Dela Rosa, nag-sorry sa kanyang komento sa pagkasawi ng 3 taong gulang na bata sa police operations

National News

KUMAMBYO si Senator Ronald Dela Rosa sa kanyang naging komento kaugnay sa pagkasawi ng 3-taong gulang na bata sa isang anti-illegal drug operation sa Rodriguez, Rizal.

Sa isang panayam, humingi ng paumanhin si Dela Rosa sa pamilya ng biktima at inaming nagkamali siya.

Ayon kay Dela Rosa, mali lamang ang kanyang nagamit na salita na dapat ay para lamang sa police community at hindi para sa general public dahil maaaring mabigyan ito ng hindi magandang kahulugan.

Sinabi ng senador na dapat ay “unfortunate incidents happen” ang kanyang ginamit na mga salita sa pagkasawi ng bata na naipit sa operasyon.

Nangako naman ito na mag-iingat na sa ginagamit na termino sa pagsasalita ngayong isa na siyang senador.

Matatandaang kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Dela Rosa matapos ang kanyang hindi magandang komento sa naganap na operasyon.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *