PINAGMULTA ng all england club na hindi bababa sa $10,000 ang Tennis Star na si Serena Williams dahil sa damages ng Wimbledon Court habang siya ay nag-eensayo.
Naganap ang nasabing insidente bago magsimula ang wimbledon tournament.
Pinagmulta din ang italyanong manlalaro na si fabio fognini ng $3,000 dahil sa ‘foul words’ na sinabi nito sa third round loss.
Habang dalawang magkahiwalay na multa ang natanggap ng manlalarong si Nick Gyrios, ang una ay nagkakahalaga ng $3,000 para sa first round, at pangalawa ay $5,000 sa second round para sa unsportsmanlike conduct dahil sa pagkatalo ng Australianong manlalaro kay Rafael Nadal.