INATASAN

China, inatasan ang Estados Unidos na huwag ituloy ang multibillion arm deal sa Taiwan

International News

INATASAN ng China ang Estados Unidos na huwag ituloy ang arms sale deal sa Taiwan.

Kasunod ito ng anunsyo ng State Department na inaprubahan nila ang pagbebenta ng armas sa Taiwan na aabot sa 2.2 bilyong dolyar.

Kabilang sa mga ibebentang armas ang 108 abrams tanks at 250 stinger surface-to-air missiles.

Sinabi ni China Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, labag sa kanilang One-China Principle ang pagbebenta ng armas sa naturang bansa na walang pahintulot mula sa Beijing.

Maliban dito, panghihimasok rin aniya sa Internal Affairs at Sovereignty and Security Interests ng China ang naturang arms deal.

Paliwanag ni Shuang, bahagi pa rin ng China ang Taiwan na isang sovereign nation.

samantala, nagkausap na sina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin sa counterpart nila ng China na sina Chinese Vice Premier Liu He at Commerce Minister Zhong Shan.

Kaugnay ito sa pagsasaayos ng trade deal sa pagitan ng US at China.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang trade war ng dalawang bansa.

 

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *