lindol

Makilala, North Cotabato, muling niyanig ng lindol ngayong umaga

Regional

MULING niyanig ng may kalakasang lindol ang North Cotabato ngayong umaga.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ng sentro ng magnitude 5.9 na lindol sa layong 11 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng makilala.

May lalim itong 21 kilometro kung saan tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang intesity 5 sa Kidapawan City habang may instrumental intensity 2 na Naitala sa Tupi, South Cotabato, intensity 1 sa Alabel, Sarangani at Cagayan De Oro City.

Ang naturang pagyanig ay bahagi pa rin ng aftershocks ng magnitude 5.6 na lindol na tumama sa bayan ng makilala pasado alas-8 kagabi.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakararanas ng aftershocks na lindol ang North Cotabato.

 

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *