lindol

NDRRMC, wala pang naitalang lubhang nasaktan at pinsala sa tumamang magnitude 5.6 na lindol sa North Cotabato kagabi

Regional

WALANG lubhang nasaktan sa naganap na magnitude 5.6 na lindol sa North Cotabato kagabi.

Ito ang tiniyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad sa panayam ng Dzar sonshine radio.

Sinabi ni Jalad na mag-iikot ngayong araw ang kanilang regional offices at lokal na pamahalaan sa lalawigan upang makita ang pinsala ng lindol.

Kaugnay nito, suspendido ang pasok sa ilang eskwelahan sa Kidapawan City at karatig bayan sa North Cotabato dahil sa mga inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Kabilang sa mga walang pasok ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Kidapawan, all level sa Antipas, makilala habang halfday naman sa Tulunan.

 

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *