Abra

3 lalaki, patay matapos makipagbarilan sa pulisya sa Bangued, Abra

Regional

PATAY ang tatlong lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Angad sa Bangued, Abra.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naharang sa isang checkpoint operation ang mga suspek na sakay ng tricycle pero sa halip na tumigil ay tumakas ang mga ito.

Hinabol aniya ang mga lalaki pero pinaputukan ang mga pulis na ginantihan naman ng mga ito na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam na rin kung may grupo ang mga ito na kinabibilangan.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *