Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano

Cong. Cayetano, nagpaliwanag hinggil sa panukala ng term extension

National News

NILINAW ni Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano ang panukala niya na magkaroon ng term extension ang mga local officials sa buong bansa.

Ani Cayetano, wala siyang intensyon na manatili ng mahabang panahon bilang kongresista at speaker bagkus ay inilatag lamang nito ang mga repormang nais niyang gawin sa kaniyang term bilang lider ng Mababang Kapulungan.

Sa pananaw ni Cayetano, ang 3-year term limit ay isa sa mga limitasyon na pumipigil sa development ng Pilipinas dahil maraming mga plano ang hindi nagagawa ng mga local officials dahil sa maiksing panahon ng termino.

Aniya, marami siyang kilalang pulitiko na mga “great planners” pero natalo sa eleksyon kaya ‘yung mga reporma, programa, plano at proyekto na ipatutupad pa lamang o di kaya’y bahagyang nasimulan na ay hindi natutupad kaya mas praktikal na ma- amyendahan ang konstitusyon at gawing 4-5 taon ang termino ng mga lokal na opisyal.

Batay sa Article 10 Section 8 ng 1987 Constitution, 3 taon lamang ang termino ng mga local officials gaya ng mga mayor, councilor, sangguniang panlalawigan, governor at vice governor at mga congressman.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *