investment

Halaga ng nalagak na investment na pumasok sa Pilipinas, tumaas

National News

TUMAAS ang investment na pumasok sa Pilipinas sa unang bahagi ngayong taon kumpara noong 2018.

Sa tala ng Philippine Board of Investments, umabot sa P304.4B ang nailagak na halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas sa unang 6 na buwan ngayong 2019.

Mas mataas ito ng 27.4% kumapara sa investment na pumasok noong first half ng 2018.

 

Ayon pa sa BOI, tumaas ng nasa 375.3% o nasa P68.9B ang halaga ng foreign investment ngayong taon kumpara noong 2018.

Ang bansang Singapore ang may pinakamalaking nailagak na pamumuhunan sa bansa ngayong taon na pumalo sa P35.4B ang investment.

Sumunod sa Singapore ang Netherlands na mag P9.2B na pumumuhunan, Thailand na may P8.5B, Japan na may P5.8B investments at ang Estados Unidos sa pang-limang pwesto na may P2.4B na investment.

Nasa P235.6B naman ang nailagak na pamumuhunan sa bansa mula sa domestic investors sa unang 6 na buwan ngayong taon.

Mas mataas ito ng 5% kung ihahambing noong 2018.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *