suicide bombers

Isa sa dalawang suicide bombers sa Indanan, kinumpirmang isang Pinoy

Regional

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Poice na Pinoy ang isa sa dalawang suicide bombers sa Indanan, Sulu noong nakalipas na Hunyo 28 base sa resulta ng DNA test.

Sinabi nina AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo at PNP Spokesman Col. Bernard Banac na nag-match ang DNA test sa naputol na ulo at nagkapira-pirasong katawan na suspek na si Norman Lasuca sa ina nitong si Vilman Alam Lasuca at kapatid nitong si Alhussin Alam Lasuca.

Ayon sa opisyal, ito na ang unang pagkakataon na kabilang ang isang Pinoy sa isang suicide bombing.

Itinuturing naman ng AFP na isang malaking hamon sa pambansang seguridad ang pagkakadiskubre sa isang Pinoy bomber.

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *