Passenger Jet

Isang US passenger jet, nag-emergency landing matapos ito makaranas ng engine problem

International News

NAPILITANG mag-emergency landing ang isang Passenger Jet sa North Carolina matapos makaranas ng engine problem.

Sa video footage ng isang pasahero ng eroplano, makikikta ang isang bagay na umiikot sa loob ng isang makina nito.

Bago dito, nakarinig muna sila ng malakas na pagsabog na sinundan ng usok.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero ng Delta Air Lines Flight na patungo sana ng Baltimore mula Atlanta.

Nasa kabuuang 154 ang pasahero ng naturang eroplano kabilang na ang mga crew nito.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga kinauukulan ang sanhi ng insidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *