Kawhi Leonard

Kawhi Leonard at Paul George, magsasama sa Los Angeles Clippers

Sports

OPISYAL nang maglalaro ang Toronto Raptors forward na si Kawhi Leonard at Paul George ng Oklahoma City Thunder para sa koponan ng Los Angeles Clippers.

Ito ang kinumpirma ng president of basketball operations ng LA Clippers na si Lawrence Frank ngayong Huwebes.

Hindi naman i-dinetalye ang terms of the deal ng dalawang manlalaro sa paglipat sa Clippers.

Ngunit may mga sources na nagsasabing tatlong taon ang kontrata na may $110 M US Dollars salary ang deal ni Leonard sa koponan.

Ayon pa dito, magiging free agent ang dalawang manlalaro makalipas lang ang dalawang taon.

Samantala, isa pang major deal ang nakumpleto ngayong Huwebes ang pagpirma ng limang taon kontrata na nagkakahalaga ng halos $190 M US Dollars ni Klay Thompson na manatili sa koponan ng Golden State Warriors.

Gayunman, hindi agad makalalaro sa pagbubukas ng 2019-2020 NBA Regular Season si Thompson dahil sa tinamo nitong Torn Ankle Injury noong NBA Finals sa laban sa Raptors.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *