INIIMBESTIGAHAN

Pananambang sa isang Radio Broadcaster sa Kidapawan, iniimbestigahan na ng Presidential Task Force on Media Security

Metro News

INIIMBESTIGAHAN na ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pananambang sa dating Radio Station Manager at Commentator na si Eduardo Dizon sa Kidapawan, Cotabato.

Ayon kay PTFOMS Executive Director Joel Egco, nagkasa na ng sariling imbestigasyon ang kanilang hanay upang siyasatin ang insidente.

Base sa unang report ng pulisya, pauwi na sana galing trabaho ang biktima na sakay ng Mitsubishi Mirage G4 nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa bahagi ng National Highway, Quezon Blvd. dakong alas-10:35 ng Gabi, kagabi.

Nagtamo ito ng limang tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima na naging sanhi ng agad nitong pagkasawi.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP Chief Oscar Albayalde kay SOCCSKSARGEN Regional Director Police Brigadier General Eliseo Resco ang imbestigasyon sa krimen.

Kung mapatutunayang may kaugnayan sa kaniyang trabaho bilang kawani ng Media ang insidente ay tinatayang ika-13 journalist na si Dizon na napaslang sa ilalim ng Administrasyon Duterte.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *