House Speaker

Pang. Duterte, hinold ang ilang Customs Officials at Employees dahil sa umano’y isyu ng korupsyon

National News

IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang freezing ng ilang high-ranking officials at empleyado ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ay sa gitna ng kinahaharap na alegasyon ng kurapsyon sa ahensya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal ang mga naturang opisyal at empleyado na hinold ng Pangulo.

Giit ni Panelo, ang naturang hakbang ay alinsunod sa Anti-Corruption Campaign ng Administrasyong Duterte at sa “Zero Tolerance” ng Pangulo sa mga kawani ng Gobyerno na dawit sa anomalya.

Isasapubliko naman aniya ang mga pagkakakilanlan ng mga opisyal at empleyado ng BOC na sangkot sa isyu sa tamang panahon.

Maalalang noong nakaraang linggo ay sinabi ng punong ehekutibo na mayroon siyang mga sisibaking customs officials na sangkot sa irregularidad.

 

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *