trust rating ni Duterte

Recto Bank incident, hindi nakaapekto sa trust rating ni Duterte —political analyst

National News

HINDI nakaapekto ang isyu ng China sa trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ayon sa political analyst na si Prof. Antonio Contreras dahil sa usaping “elite” o mga nasa mataas na lipunan ng bansa ang isyu ng Recto Bank incident at malayo sa bituka ng masa.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News, inihambing ni Contreras ang pagbaba ng ratings ng pangulo sa lahat ng social class mula sa upper class hanggang sa middle class at pagtaas naman sa Class E.

“In fact sa Class A, bumaba siya from +69 naging +58 na lang siya, reduction of 9%. Sa (Class) B, C, D, mula +83 naging +76 siya, (minus) 7%. Pero ang laki naman kasi ng itinaas niya sa (Class) E, du’n sa pinakamahihirap nating mga kababayan from +58 to +68,”paliwanag ni Contreras.

Pagdating sa educational attainment ay mas mataas din ang rating ng pangulo sa mga high school graduate kaysa college graduate at mga propesyunal.

Ayon kay Contreras, dapat ay hinihimay-himay din ang mga factor kung saan nagkulang ang pangulo.

“Dapat huwag kang mag-base du’n sa mataas na numero. Tingnan mo kung saan ka nagpi-fail o saan ka hindi nagugustuhan para mas ma-improve mo pa lalo ‘yung performance mo,” aniya pa.

Matatandaan na nakakuha ng 80 percent na performance rating at +68 na net satisfaction rating ang pangulo sa ikalawang bahagi ng survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *