MMFF

Unang batch ng mga pelikulang pasok sa 2019 MMFF, inilabas na

Showbiz

INILABAS na sa publiko ang unang apat na pelikulang pasok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Kahapon ay inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang batch ng mga Pinoy films na pasok sa MMFF sa Disyembre.

Kabilang sa unang apat na official entries para sa inaabangang film fest ay ang “Kampon” na pinabibidahan ni Derek Ramsay at Kris Aquino, Korean remake na “Miracle in Cell no. 7” nina Aga Mulach at Nadine Lustre, “Mission Unstapabol: The Don Identity” na pangungunahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza at last but not the least ang “Momalland” nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Napili ang mga naturang pelikula base sa rekomendasyon ng selection committee na binubuo ng MMFF Executive Committee sa pangunguna nina MMDA Chairman Danny Lim, Sen. Bong Go at Laguna Rep. Dan Fernandez.

Inaasahang sa mga susunod na linggo ay iaanunsyo na din ang apat pang pelikulang bubuo sa Official Entry List ng MMFF 2019.

 

DZAR0126

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *