drug-free

12,000 Barangay, tinaguriang drug-free ng DILG

Metro News

IPINAGMALAKI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahigit 12 libong barangay na ideneklarang drug-free sa gitna ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ayon sa opisyal dahil sa pinaigting na operasyon at suporta ng mga mamanayan sa anti-drug campaign ng administrasyon ay pumalo na sa 12,099 ang mga barangay na tinaguriang drug-free.

Dagdag pa ni Año, lumago din sa 172 ang bilang ng mga bilangguan na drug-free kumpara sa naitayang 74 noong 2018 bunsod umano ng pagsisikap ng BJMP.

Bukod dito ay may naitala ding 1.3 milyon na drug surrenders ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng balay silangan program at community-based drug rehabilitation programs.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *